Investigate Sendong tragedy

Church people and environmental activists stage a candle lighting in Isla Delta, Consolacion, Cagayan de Oro City to call for an investigation on the recent flooding. The groups also urged the Aquino administration to punish those who are responsible for the incident.

One of the "cutest" placards last year: PRES AQUINO, stop logging, stop mining and STOP PARTYING!

Advertisements
2 comments
  1. Juan Likas Makabayan said:

    Madaling ituro ang pagkakalbo ng kagubatan na siyang dahilan ng pagkamatay ng ating mga kababayan sa CDO at Iligan City. Ito ang larawang madaling makita. Larawan ng nakakalbong gubat, mga nagkalat ng troso at mga sabi-sabi ng mga taong nais ilihis ang isyu na magpapahamak sa kanila.

    Ayon sa siyensya, totoong nagbabago ang panahon ng dahil sa tinatawag na “Global Warming” na isa sa mga dahilan ay ang pagtotroso rin. Subalit, ito ay isa sa mga dahilan lamang. Ang mga usok na ibinubuga ng mga pabrika, ang mga Pagpatag ng kabundukan para sa isang inspratraktura at iba pang mga bagay na sumabay sa pag unlad ng mundo. Dahil dito ay umabot nga sa punto na nagkaroon ng ibang direksyon ang bagyo. Gayunpaman, sinasabi rin ng mga eksperto na kahit marami pang puno, o sabihin na nating walang pagtotroso na naganap sa kabundukan ng mindanao ay hindi pa rin kayang pigilan ng mga puno ang pagbulusok ng ganon karaming tubig na dala ng bagyong sendong. Samakatuwid, ang mga araw na iyon ay lubha talagang mapanganib para doon sa mga taong nakatira sa sinalantang lugar.

    Sino ba ang dapat managot sa maraming nalagas na buhay sa mindanao?

    August 23, 2010, naglabas ng pinakabagong at mas komprehensibong Mapa ang Climate Change Congress of the Phil. (CCCP) na nagsasaad ng mga lugar na delikado sa baha. Bago paman ito, pinagsabihan na ang mga Opisyal tungkol dito subalit binalewala ito kaya hindi alam ng mga residente ang totoong kalagayan nila.

    Ipinaalam ng CCCP sa Aquino administration ng tatlong beses ang tungkol sa Mapa na ito subalit hindi pa rin ito nabigyan ng pansin.

    December 15, 2011, dalawang araw bago nagwala si sendong ay ipinaalam na ng Tropical Rainfall Measuring Mission (TRMM) kung gaano kalakas ang dalang ulan nito (50mm/hr) subalit inilathala ng PAGASA na mahina lang ito (10-25mm/hr).

    Inamin ng malacanang na hindi nila napansin masyado ang bagyong sendong dahil abala sila sa tinatawag nilang “clearing of the landmines” na ibig sabihin ay pagtanggal ng mga corrupt na may katungkulan.

    Ang pagturo na ang illegal logging ang tanging dahilan ay isang panglilinlang at paglihis sa talagang isyu kung bakit marami ang namatay. Isang Inderektang propaganda na mahirap mapansin na ito’y pagkokondisyon ng isipan. Ito ay paglaladlad ng salaring madaling makita at nagkukubli sa mga malalaking personalidad na may pananagutan din.

    Maliwanag na ang Sendong ay sadyang magdadala ng baha na hindi kayang pigilan ng mga puno. Ang iwasan ang maraming mamamatay ay sa paraan lamang ng paglikas sa mga lugar na iyon. Walang patay kung walang tao don sa lugar. Iba ang pagkawala ng ari-arian at pagkalagas ng buhay.

    Ang hindi pagbigay ng tamang impormasyon ng mga opisyales, mahigit isang taon bago ang pangyayari (Liban pa doon sa unang mapa, tatlong taon ang nagdaan), ang maling impormasyong binigay ng PAGASA at pagbabalewala ng malakanyang dahil sa Impeachment case na yan ay NAGBUBUNGA NG KAMATAYAN NG 1400 TAO.

    DAPAT MANAGOT ANG MGA TAONG ITO!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: